Source: Municipal Health Office of Casiguran, Aurora

𝐌𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐢𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐨𝐟 𝐂𝐚𝐬𝐢𝐠𝐮𝐫𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 “𝐓𝐮𝐭𝐨𝐤 𝐀𝐩𝐩𝐫𝐨𝐚𝐜𝐡: 𝐒𝐦𝐚𝐥𝐥-𝐆𝐫𝐨𝐮𝐩 𝐑𝐞𝐟𝐫𝐞𝐬𝐡𝐞𝐫 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐧 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧𝐭, 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐈𝐧𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦 (𝐂𝐇𝐈𝐒), 𝐚𝐭 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐂𝐡𝐞𝐜𝐤 𝐔𝐭𝐢𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐇𝐖𝐬”, 𝐧𝐚 𝐝𝐢𝐧𝐚𝐥𝐮𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐮𝐮𝐚𝐧𝐠 𝟏𝟔𝟓 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐞𝐫𝐬 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐛𝐚’𝐭 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧.

Sa pamamagitan ng serye ng maliliit na grupo ng pagsasanay, napalalim ang kaalaman at kasanayan ng ating mga BHW sa tamang paggamit ng Community Health Information System (CHIS) Forms, Health Risk Assessment (HRA) Forms, at mga proseso ng PhilHealth YAKAP/Konsulta Program, kabilang ang paggamit ng PhilHealth Check Utility (PCU) Website at PhilHealth Konsulta Registration Form (PKRF).

Pinangunahan ni Dr. Merill A. Danay, Municipal Health Officer, ang talakayan tungkol sa wastong paggamit ng CHIS Forms, habang ibinahagi naman ni Princess Alen A. Cabunoc, RMT, MPA, Medical Technologist II at PhilHealth Coordinator, ang mga mahahalagang proseso sa Health Risk Assessment at PhilHealth YAKAP.

Lubos ang pasasalamat ng Municipal Health Office sa patuloy na suporta ng ating Punong Bayan, Hon. Roynald S. Soriano, na nagbibigay-prayoridad sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga Barangay Health Workers bilang mga pangunahing katuwang sa paghahatid ng de-kalidad, maagap, at makataong serbisyong pangkalusugan sa bawat komunidad.

Ang pagsasanay na ito ay patunay ng ating patuloy na layunin na palakasin ang primary health care system ng Casiguran sa pamamagitan ng mas mahusay na datos, mas episyenteng serbisyo, at mas malusog na mamamayan.