Source: Municipal Health Office of Casiguran, Aurora

𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐛𝐮𝐥𝐮𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐢𝐭𝐢𝐩𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐭𝐢𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐝𝐛𝐨𝐤𝐚𝐬𝐢𝐲𝐚!

Idinaos noong 𝐢𝐤𝐚-𝟐𝟔 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐲𝐨, 𝟐𝟎𝟐𝟔, 𝐚𝐧𝐠 𝟐𝐧𝐝 𝐐𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐀𝐈𝐃𝐒 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 (𝐋𝐀𝐂) 𝐧𝐠 𝐂𝐚𝐬𝐢𝐠𝐮𝐫𝐚𝐧, 𝐀𝐮𝐫𝐨𝐫𝐚. . Bago ang pormal na pagtatapos ng pagpupulong, pinangunahan ng ating 𝐏𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐇𝐨𝐧. 𝐑𝐨𝐲𝐧𝐚𝐥𝐝 𝐒. 𝐒𝐨𝐫𝐢𝐚𝐧𝐨, ang isang madamdaming paggunita sa International AIDS Candlelight Memorial 2026.

Sa lokal na temang “𝐂𝐨𝐦𝐩𝐚𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐢𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐔𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐢𝐧 𝐑𝐞𝐦𝐞𝐦𝐛𝐫𝐚𝐧𝐜𝐞, 𝐇𝐨𝐩𝐞 𝐢𝐧 𝐄𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐋𝐢𝐠𝐡𝐭,” nag-alay ng isang sandali ng panalangin ang mga miyembro ng konseho at mga stakeholders bilang pag-alala sa mga pumanaw dahil sa HIV/AIDS at pagpapakita ng suporta sa mga taong kasalukuyang namumuhay kasama nito.

Ang naging agenda ng ating quarterly meeting ay kinapalooban ng:

✅ Pag-apruba sa minutes ng nakaraang meeting (March 25, 2026)

✅ Ulat sa Budget Utilization as of May 20, 2026

✅ Pagpaplano para sa mga susunod na aktibidad (IEC in DepEd Schools at Pride Month)

✅ International AIDS Candlelight Memorial 2026 commemoration

Patuloy tayong magkaisa tungo sa isang komunidad na may pag-unawa, malasakit, at pag-asa. 🤝✨