



𝐃𝐚𝐲 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐜 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐬𝐞 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐞𝐫𝐬 ![]()
![]()
𝐏𝐨𝐫𝐦𝐚𝐥 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰, 𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟏𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐬𝐚 𝐠𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐧𝐚 𝟏:𝟑𝟎 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝟑.𝟓-𝐃𝐚𝐲 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐜 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐬𝐞 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐞𝐫𝐬 𝐬𝐚 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐋𝐮𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐯𝐞𝐫𝐞𝐝 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐭, 𝐂𝐚𝐬𝐢𝐠𝐮𝐫𝐚𝐧, 𝐀𝐮𝐫𝐨𝐫𝐚.
Dinaluhan ito ng 50 BHW trainees na naglalayong mas mapalawak ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa komunidad.
Ang nasabing programa ay naging posible sa patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan ng Casiguran sa pangunguna ni Municipal Mayor Roynald S. Soriano, bilang bahagi ng pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan at pagpapaunlad sa kakayahan ng ating mga Barangay Health Workers.
Nagbigay ng Welcome Remarks si Dr. Merill A. Danay, Municipal Health Officer, kung saan binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng mga BHW bilang katuwang sa pagsusulong ng primary health care sa bawat barangay. Naghatid naman ng Inspirational Message si Hon. Marian T. Esteves, SB Chairperson on Health and Sanitation, upang hikayatin ang mga kalahok na ipagpatuloy ang tapat at malasakit na paglilingkod sa mamamayan at patuloy pang manghikayat ng mga karagdagang BHW.
.
Pinangungunahan naman ng pitong (7) trainers mula sa Provincial Health Office ang nasabing pagsasanay upang maibahagi ang mahahalagang kaalaman at kasanayan ukol sa iba’t ibang programang pangkalusugan at serbisyong pangkomunidad.
Brgy. Lual Covered Court, Casiguran, Aurora
Mayo 19, 2026 (1:30 PM) hanggang Mayo 22, 2026
Sama-sama nating palakasin ang ating mga Barangay Health Workers tungo sa mas malusog at matatag na Casiguran.
