𝙎𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙜𝙪𝙣𝙞𝙩𝙖 𝙣𝙜 𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙣𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝘼𝙄𝘿𝙎 𝘾𝙖𝙣𝙙𝙡𝙚𝙡𝙞𝙜𝙝𝙩 𝙈𝙚𝙢𝙤𝙧𝙞𝙖𝙡 2026, 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻𝗴𝘂𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗟𝗢𝗖𝗔𝗟 𝗔𝗜𝗗𝗦 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗖𝗜𝗟, 𝙣𝙖𝙠𝙞𝙞𝙨𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙖𝙬𝙖𝙣𝙞 𝙣𝙜 𝙇𝙂𝙐 𝙖𝙩 𝙈𝙪𝙣𝙞𝙘𝙞𝙥𝙖𝙡 𝙃𝙚𝙖𝙡𝙩𝙝 𝙊𝙛𝙛𝙞𝙘𝙚 𝙨𝙖 𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙠𝙖𝙗𝙪𝙡𝙪𝙝𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜-𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙬𝙖𝙡𝙖 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙨𝙖 𝙃𝙄𝙑/𝘼𝙄𝘿𝙎.

Tuwing ikatlong Linggo ng Mayo opisyal na ginugunita sa buong mundo ang AIDS Candlelight Memorial, isinagawa kahapon, araw ng Lunes, ika-18 ng Mayo, 2026, ang simpleng seremonya ng pag-aalay ng panalangin kasama ang mga empleyado ng LGU at MHO bilang pakikiisa sa adhikain ng pagpapalaganap ng kamalayan, pagmamahal, at pag-asa para sa lahat ng apektado ng HIV/AIDS.

Nawa’y magsilbi itong paalala sa ating lahat na ang HIV/AIDS ay hindi dapat maging dahilan ng diskriminasyon at panghuhusga. Hinihikayat namin ang bawat isa na ipagdasal ang mga pumanaw dahil sa HIV/AIDS, ang mga kasalukuyang lumalaban sa sakit, lahat ng PLHIVs (People Living with HIV), at kanilang mga mahal sa buhay upang patuloy silang magkaroon ng matatag na kaisipan, lakas ng loob, at determinasyon.

Ang pagkakaroon ng HIV ay hindi death sentence. Sa tamang impormasyon, suporta, pag-iingat, at gamutan — may pag-asa, may buhay, at may kinabukasan.