Matagumpay na naisagawa ang Consultation on 4Ps Priority Health Needs, Orientation on Various Health Programs, and Commemoration of AIDS Candlelight Memorial 2026 noong Mayo 21, 2026, 1:00 PM onwards, sa Bianoan Covered Court, na dinaluhan ng mga 4Ps beneficiaries mula sa Barangay Ditinagyan, Calabgan, Bianoan, Esteves, at Dibet sa pakikipag-ugnayan sa Casiguran Pantawid Municipal Action Team.

Nagbigay ng welcome remarks at mahalagang mensahe si 𝗗𝗿. 𝗠𝗲𝗹𝗶𝘀𝘀𝗮 𝗖. 𝗖𝗮𝗽𝗶𝗹𝗶, 𝗥𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗣𝗵𝘆𝘀𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻, na ipinakilala rin sa mga kalahok bilang pinakamalapit na doktor na maaaring lapitan para sa kanilang pangangailangang pangkalusugan sa kanilang lugar.

Kabilang sa mga naging bahagi ng programa ang YAKAP Orientation na tinalakay ni 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗔𝗹𝗲𝗻 𝗔. 𝗖𝗮𝗯𝘂𝗻𝗼𝗰, 𝗥𝗠𝗧, 𝗠𝗣𝗔 gayundin ang 𝗛𝗜𝗩 𝟭𝟬𝟭 𝗧𝗮𝗹𝗸 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 sa isinagawang candlelight commemoration na pinangunahan ni 𝗙𝗲𝗺𝗶𝗮 𝗠. 𝗖𝗮𝗹𝘂𝗺𝗯𝗮, 𝗥𝗡, 𝗠𝗔𝗡, 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗛𝗜𝗩 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿..

Sa pamamagitan ng gawaing ito, nabigyang-daan ang konsultasyon sa pangunahing pangangailangang pangkalusugan ng mga 4Ps beneficiaries, pagbibigay-kaalaman ukol sa iba’t ibang health programs, at makabuluhang paggunita sa AIDS Candlelight Memorial 2026 na may temang “𝗖𝗼𝗺𝗽𝗮𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝗔𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗨𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗶𝗻 𝗥𝗲𝗺𝗲𝗺𝗯𝗿𝗮𝗻𝗰𝗲, 𝗛𝗼𝗽𝗲 𝗶𝗻 𝗘𝘃𝗲𝗿𝘆 𝗟𝗶𝗴𝗵𝘁.”

Ang programang ito ay naisakatuparan sa suporta ng 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 sa pamumuno ni 𝗗𝗿. 𝗠𝗲𝗿𝗶𝗹𝗹 𝗔. 𝗗𝗮𝗻𝗮𝘆, at sa patuloy na suporta ng ating 𝗣𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗼𝘆𝗻𝗮𝗹𝗱 𝗦. 𝗦𝗼𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼, tungo sa mas malapit, mas makatao, at mas tumutugong serbisyong pangkalusugan para sa bawat Casiguranin.