CASIGURAN AURORA Mainit na sinalubong ang simula ng school year ngayong Hunyo 1 2026 sa pamamagitan ng magkakasunod na outreach programs sa Esperanza Elementary School at CJ Torre Elementary School na naglalayong suportahan ang mga mag aaral sa kanilang pagbabalik eskwela.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa kasabay ng Brigada Eskwela ngayong linggo sa ilalim ng pagtutulungan ng Municipal Advisory Group for Police Transformation and Development at ng Womens Federation ng Casiguran Katuwang din sa programang ito si Bokal Jennifer Arana na nagdiwang ng kaarawan sa pamamagitan ng ng mahalagang suporta para sa mga bata gaya ng feeding program at pagbibigay ng school supplies.

Sa Esperanza Elementary School ay nagdaos ng isang feeding program upang masiguro ang sapat na nutrisyon ng mga estudyante bago ang pormal na pagsisimula ng kanilang mga klase Samantala ay namahagi naman ng mga libreng school supplies sa CJ Torre Elementary School upang makatulong sa pagpapagaan ng gastusin ng mga magulang sa pagbili ng mga gamit sa eskwela.

Ang mga inisyatibong ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng pamahalaan at ng mga civil society organizations na itaguyod ang kapakanan ng kabataang Casiguranin.

Layunin din nito na palakasin ang ugnayan ng pulisya komunidad at mga lokal na lider sa pagbuo ng isang masigla at handang kapaligiran para sa pag aaral.

Lubos na pasasalamat ang ipinaabot ng mga guro at magulang sa lahat ng mga nakiisa at nagbahagi ng kanilang oras at resources upang matiyak na magiging matagumpay ang unang linggo ng klase para sa mga mag aaral sa mga nasabing paaralan.