Source: Municipal Health Office of Casiguran, Aurora



𝗠𝗮𝘁𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗶𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗕𝗼𝗮𝗿𝗱 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵𝗹𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗱𝗮𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗘𝘅𝗲𝗰𝘂𝘁𝗶𝘃𝗲, 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗼𝘆𝗻𝗮𝗹𝗱 𝗦. 𝗦𝗼𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼, 𝗮𝘁 𝗱𝗶𝗻𝗮𝗹𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆𝗼𝗿𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗶𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗼 𝗻𝗴 𝗟𝘂𝗽𝗼𝗻.
Tinalakay sa pulong ang mga sumusunod na mahahalagang usapin:
1. Pag-apruba ng katitikan ng nakaraang pulong na ginanap noong ika-28 ng Abril 2026;
2. 𝗠𝗛𝗢 𝗕𝘂𝗱𝗴𝗲𝘁 𝗨𝘁𝗶𝗹𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 as of May 20, 2026, bilang bahagi ng regular na monitoring sa taunang pondo ng ahensya;
3. 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲𝗵𝗼𝗹𝗱 𝗦𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗙𝗮𝗰𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 mula sa Department of Health, kung saan tinukoy ang mga barangay at sitio na paglalaanan ng proyekto upang makatulong na mabawasan ang bilang ng mga kabahayang walang maayos na palikuran;
4. 𝗕𝗛𝗪 𝗔𝘂𝗴𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, kung saan naaprobahan ang pagpopondo para sa mga kasalukuyang volunteer BHWs sa mga barangay upang madagdagan ang bilang ng mga BHW at matamo ang angkop na ratio ng BHW sa ating bayan;
5. 𝗣𝗮𝗴-𝗮𝗽𝗿𝘂𝗯𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗿𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗽𝗽𝗹𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿𝘀;
6. 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗔𝗰𝗰𝗿𝗲𝗱𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗺𝗯𝘂𝗹𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗱𝗲𝗿, kung saan ang Casiguran RHU and Birthing Clinic Building Vicente Teepecuy ang unang pasilidad sa Aurora na na-accredit bilang Ambulance Service Provider. Sa kasalukuyan, ang ating bayan ay mayroon nang dalawang ambulansyang lisensyado ng DOH at accredited ng PhilHealth; at
7. 𝗔𝘃𝗮𝗶𝗹𝗮𝗯𝗹𝗲 𝘀𝗹𝗼𝘁𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗨𝗣 𝗗𝗶𝗽𝗹𝗼𝗺𝗮 𝗶𝗻 𝗠𝗶𝗱𝘄𝗶𝗳𝗲𝗿𝘆 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗹𝗮𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽.
Sa aktibong pakikiisa ng Local Health Board, patuloy na pinagtitibay ang mga programa at serbisyong pangkalusugan tungo sa mas maayos, mas accessible, at mas tumutugong serbisyong medikal para sa mamamayan ng Casiguran.
