𝑰𝒌𝒊𝒏𝒂𝒈𝒂𝒈𝒂𝒍𝒂𝒌 𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒔𝒊𝒈𝒖𝒓𝒂𝒏, 𝑨𝒖𝒓𝒐𝒓𝒂 𝒏𝒂 𝒊𝒑𝒂𝒉𝒂𝒚𝒂𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒐𝒔-𝒑𝒖𝒔𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒕𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒑 𝒌𝒂𝒚 𝑫𝒓. 𝑴𝒆𝒍𝒊𝒔𝒔𝒂 𝑪. 𝑪𝒂𝒑𝒊𝒍𝒊, 𝑹𝑴𝑻, 𝑴𝑫 𝒃𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒓𝒂𝒈𝒅𝒂𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒈𝒂𝒎𝒐𝒕 𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝒊𝒍𝒂𝒍𝒊𝒎 𝒏𝒈 𝑫𝒐𝒄𝒕𝒐𝒓 𝒕𝒐 𝒕𝒉𝒆 𝑩𝒂𝒓𝒓𝒊𝒐𝒔 (𝑫𝑻𝑻𝑩) 𝑷𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎 𝒎𝒖𝒍𝒂 𝒔𝒂 𝑫𝒆𝒑𝒂𝒓𝒕𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒐𝒇 𝑯𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉 (𝑫𝑶𝑯) Si Dr. Capili ay magiging mahalagang katuwang ng ating Municipal Health Officer, Dr. Merill A. Danay, sa patuloy na pagbibigay ng dekalidad at accessible na serbisyong pangkalusugan sa ating komunidad. Siya ay inaasahang maglilingkod lalo na sa Barangay Bianoan Health Station, at magsisilbi rin sa mga karatig barangay tulad ng Ditinagyan, Calabgan, Esteves, at Dibet upang matiyak na ang bawat mamamayan ay may sapat na access sa serbisyong pangkalusugan. Noong Marso 12, 2026, si Dr. Capili ay nagsagawa ng courtesy visit kay Hon. Mayor Roynald S. Soriano, bilang bahagi ng kanyang pormal na pagpasok sa serbisyo. Siya ay inaasahang magsisilbi sa ating bayan sa loob ng tatlong (3) magkakasunod na taon. Maligayang pagdating, Dr. Capili! Sama-sama nating itaguyod ang mas malusog na Casiguran.