Source: Municipal Health Office of Casiguran, Aurora


Sa suporta ni Kgg. Roynald S. Soriano, Punong Bayan, nagsagawa ang Provincial Health Office of Aurora, sa tulong ng Municipal Health Office of Casiguran, ng tatlong araw na Basic Food Handler’s Training Course sa ating bayan.

Dinaluhan ito ng 30 Food Handlers mula sa iba’t ibang food establishments, kabilang ang mga nagtatrabaho sa mga karinderya, restaurant, bakery, at mga ambulant food vendors.

Layunin ng pagsasanay na madagdagan ang kaalaman at kasanayan ng mga Food Handlers sa wastong paghahanda, paghawak, pag-iimbak, at pagpapanatili ng kalinisan at kaligtasan ng pagkain, upang makatulong sa pag-iwas sa mga sakit na maaaring dulot ng kontaminadong pagkain at mapabuti ang kalidad ng serbisyong kanilang ibinibigay.

Bahagi rin ito ng patuloy na pagsusulong ng kalinisan, food safety, at pangangalaga sa kalusugan ng ating mga mamamayan.

Maraming salamat sa Provincial Health Office of Aurora sa pangunguna sa pagsasanay at sa lahat ng 30 Food Handlers na nakiisa at aktibong nakibahagi sa tatlong araw na pagsasanay.