Source: Municipal Health Office of Casiguran, Aurora


Layunin ng buwang pagdiriwang na ito na palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa Reproductive Health, Maternal Care, at Responsible Parenthood. Ipinapakita nito ang ating patuloy na pangako na bigyang-lakas ang bawat pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon, de-kalidad na serbisyong pangkalusugan, at mga programang makatutulong sa paggawa ng matalinong desisyon para sa mas malusog na kinabukasan.

Sama-sama nating isulong ang Responsible Parenthood at patuloy na itaguyod ang pagkakaroon ng mas malusog, mas matatag, at mas empowered na pamilyang Pilipino.

Tandaan ang 𝗦𝗠𝗔𝗥𝗧 families ay:

S – Sama-samang nagpaplano

M – May tamang kaalaman

A – Aktibong nagpapasya para sa kalusugan

R – Responsableng pagpapamilya

T – Tiyak na may maginhawang kinabukasan!

Panalo ang Pamilyang Planado!

Tara, Usap Tayo sa Family Planning!

Para sa tamang impormasyon at serbisyong pang-family planning, magtungo sa pinakamalapit na Barangay Health Center o bisitahin ang Casiguran Rural Health Unit.

Sa Casiguran RHU at 16 Barangay Health Center ng Casiguran, handa kaming magbigay ng LIBRE, ligtas, boluntaryo, at de-kalidad na Family Planning Services, kabilang ang:

👨‍👩‍👧‍👦 Family Planning Counseling

👮 Condom

💪 Implant (RHU only)

💉 DMPA

💊 Pills