Source: Municipal Health Office of Casiguran, Aurora


Isang makabuluhang pagtitipon para sa patuloy na pagkakaisa, pagpapalakas ng samahan, at pagpapahalaga sa mahalagang papel ng ating 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑯𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉 𝑾𝒐𝒓𝒌𝒆𝒓𝒔 (𝑩𝑯𝑾𝒔) ang isinagawa ng Casiguran Barangay Health Workers Federation𝑴𝒊𝒅𝒚𝒆𝒂𝒓 𝑨𝒔𝒔𝒆𝒎𝒃𝒍𝒚 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝟴:𝟯𝟬 𝗔𝗠 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝟭𝟭:𝟰𝟱 𝗔𝗠 𝘀𝗮 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝗮 𝗖𝗼𝘃𝗲𝗿𝗲𝗱 𝗖𝗼𝘂𝗿𝘁..

Ang Midyear Assembly ay inisyal at pinangunahan ng mismong Casiguran Barangay Health Workers Federation, sa pamumuno ng kanilang Pangulo na si 𝗚𝗻𝗴. 𝗗𝘆𝗻𝗮𝗰𝗲𝗹 𝗣. 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗶𝗹𝗹𝗮𝗻. Naging posible naman ang pagsasagawa ng aktibidad sa pamamagitan ng suporta ng ating 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿, 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗼𝘆𝗻𝗮𝗹𝗱 𝗦. 𝗦𝗼𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼, bilang pagkilala sa kahalagahan ng BHWs at sa gabay ng 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗴𝗮𝗺𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗗𝗿. 𝗠𝗲𝗿𝗶𝗹𝗹 𝗔. 𝗗𝗮𝗻𝗮𝘆.

Naging panauhing tagapagsalita rin si 𝗚𝗻𝗴. 𝗥𝗲𝗯𝗲𝗰𝗰𝗮 𝗗𝗲𝗹𝗼𝘀 𝗥𝗲𝘆𝗲𝘀, 𝗣𝗮𝗻𝗴𝘂𝗹𝗼 𝗻𝗴 𝗔𝘂𝗿𝗼𝗿𝗮 𝗕𝗛𝗪 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 mula sa San Luis, Aurora, na nagbahagi ng kanyang mga kaalaman at karanasan sa pamumuno at pagpapatatag ng samahan ng mga BHW.

📌 Kabilang sa mga pangunahing napag-usapan ang:

🔹 Pagpaparehistro ng Casiguran Barangay Health Workers Federation sa SEC bilang bahagi ng pagsisikap na higit pang mapatatag at maging pormal ang kanilang samahan.

🔹 Refresher on BHW Registration, Renewal of Registration, Accreditation Process, and BHW Eligibility Requirements for CSC Application, na ibinahagi ni Princess Alen A. Cabunoc, RMT, MPA, na siya ring naghatid ng mensahe sa ngalan ni Dr. Merill A. Danay.

🔹 Binigyang-diin din ang pagkakaiba ng Volunteer, Registered, at Accredited BHW, upang mas malinaw na maunawaan lalo na ng mga bagong miyembro ang iba’t ibang katayuan ng isang BHW, gayundin ang kaukulang mga benepisyo, insentibo, at honoraria na maaaring matanggap batay sa kanilang status at umiiral na mga patakaran.

💚 Ang pagtitipong ito ay hindi lamang tungkol sa mga proseso at dokumento, kundi isang pagkakataon upang mas mapalakas ang samahan, mapalawak ang kaalaman, at mapagtibay ang commitment ng bawat BHW sa paglilingkod sa kanilang komunidad.

Mabuhay ang Casiguran Barangay Health Workers Federation!

Mabuhay ang ating mga BHW! 💚🙌