Source: Casiguran Tech4Ed Center


DATE : August 10-12, 2026

PARTICIPANTS : BLGU – Dibacong and National Offices of Casiguran, Aurora.

– Ang Capacity Development Training on AI-Enhanced Computer Literacy for Efficient and Responsive Governance ay idinisenyo upang mapalakas ang kakayahan ng mga kalahok sa paggamit ng computer, digital applications, at AI tools bilang suporta sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Layunin nitong ipakilala ang wastong, responsable, at produktibong paggamit ng AI (Artificial Intelligence) upang mapabuti ang kalidad at bilis ng trabaho nang hindi isinasantabi ang data privacy, information security, accuracy, at ethical use of technology.

Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, magkakaroon ang mga kalahok ng praktikal na karanasan sa paggamit ng iba’t-ibang computer applications, maayos na pamamahala ng mga digital record, paglikha ng mga ulat at presentasyon, at epektibong paggamit ng mga online platform na sumusuporta sa mga operasyon ng pamahalaan at paghahatid ng mga serbisyong pampubliko.