Source: Radyo Kawadi 100.7 FM


𝗖𝗔𝗦𝗜𝗚𝗨𝗥𝗔𝗡 𝗔𝗨𝗥𝗢𝗥𝗔 – Isang makabuluhang Ceremonial Turn Over para sa mga Exited Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps Beneficiaries ang matagumpay na isinagawa ngayong araw Hulyo 1 2026 sa Agricula Covered Court sa Barangay Marikit.

Ang aktibidad na ito ay pormal na pagkilala sa mga pamilyang benepisyaryo na opisyal nang nagtapos sa programa matapos maabot ang antas ng pagiging self sufficient o may sapat nang kakayahan sa buhay sa tulong ng mga nakaraang interbensyon ng pamahalaan.

Sa pamamagitan ng seremonyang ito ay opisyal silang inilipat sa lokal na pamahalaan ng Casiguran upang patuloy na magabayan at mabigyan ng mga susunod na programa at oportunidad sa kabuhayan na tutulong upang mapanatili ang kanilang magandang katayuan sa lipunan.

Dumalo sa nasabing gawain ang mga kinatawan mula sa MSWD Casiguran Aurora, Department of Social Welfare and Development o DSWD katuwang ang lokal na pamahalaan ng Casiguran at kanilang pinapaabot ang pagbati at suporta sa mga pamilyang matagumpay na naitawid ang kanilang kabuhayan.