Source: Municipal Health Office of Casiguran, Aurora





















Alinsunod sa Municipal Ordinance No. 35, Series of 2019, na nagdedeklara sa buwan ng Hunyo bilang Dengue Awareness and Prevention Month sa Bayan ng Casiguran, patuloy na nagsasagawa ang Municipal Health Office ng Casiguran ng iba’t ibang aktibidad upang mapalakas ang kamalayan ng publiko, maiwasan ang pagkalat ng dengue, at mapanatiling ligtas ang ating mga komunidad.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, isinagawa ang mga sumusunod na aktibidad:
Indoor Residual Spraying sa mga pampublikong paaralan bilang bahagi ng Brigada Eskwela upang makatulong sa pagpapanatiling ligtas ang kapaligiran ng mga mag-aaral at kawani bago ang pagbubukas ng klase.
Paghikayat sa lahat ng barangay na aktibong makiisa sa mga clean-up drives, search and destroy activities, at iba pang dengue prevention initiatives.
Information, Education and Communication (IEC) Campaigns at Health Teachings sa iba’t ibang barangay upang mapalawak ang kaalaman ng komunidad tungkol sa dengue prevention at ang kahalagahan ng maagang pagpapakonsulta.
Kontra Dengue Drive sa Brgy. Marikit, kung saan isinagawa ang Information, Education and Communication (IEC), Active Case Finding, Indoor Residual Spraying, at Outdoor Residual Spraying bilang agarang tugon sa mga naitalang kaso ng dengue at upang mapalakas ang kamalayan ng komunidad sa mga hakbang sa pag-iwas at pagkontrol sa sakit.
Indoor at Outdoor Residual Spraying sa mga barangay na may kumpirmadong kaso ng dengue bilang agarang vector control intervention upang mabawasan ang panganib ng patuloy na pagkalat ng sakit.
TANDAAN: Kung walang lamok, walang dengue!
