Source: Municipal Health Office of Casiguran, Aurora

𝗗𝗜𝗚𝗜𝗬𝗔𝗡𝗜𝗛𝗔𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟲:𝗖𝗮𝘀𝗶𝗴𝘂𝗿𝗮𝗻 𝗩𝗼𝗹𝘂𝗻𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗹𝗼𝗼𝗱 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺
“𝑴𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏𝒊 𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒍𝒖𝒔𝒖𝒈𝒂𝒏, 𝑴𝒂𝒈𝒃𝒊𝒈𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝑫𝒖𝒈𝒐, 𝑴𝒂𝒈𝒍𝒊𝒈𝒕𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝑩𝒖𝒉𝒂𝒚!”
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 𝐖𝐨𝐫𝐥𝐝 𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐃𝐨𝐧𝐨𝐫’𝐬 𝐃𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐠𝐢𝐧𝐮𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭𝐚 𝐭𝐮𝐰𝐢𝐧𝐠 𝐇𝐮𝐧𝐲𝐨 𝟏𝟒, ikinagagalak ng Municipal Health Office ng Casiguran na isagawa ang 3-Day 2nd Quarter Blood Donation Activity sa iba’t ibang lugar sa bayan upang higit na mapalawak ang bilang ng mga boluntaryong blood donors at mapanatili ang sapat na suplay ng dugo para sa mga nangangailangan.
Inaanyayahan namin ang lahat ng kwalipikadong mamamayan na makibahagi sa makabuluhang gawaing ito. Ang bawat patak ng dugo ay maaaring maging pag-asa at panibagong buhay para sa isang pasyenteng nangangailangan.
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO) sa kanilang pagpayag na magsagawa ng blood donation activity sa loob ng kanilang tanggapan. Malaking tulong ito upang mas mapalapit ang serbisyo sa ating mga regular blood donors na empleyado ng APECO at mabigyan sila ng pagkakataong makapagbahagi muli ng buhay sa pamamagitan ng pagdo-donate ng dugo.
📅 Tingnan ang iskedyul at lokasyon sa larawan sa ibaba.
📢 𝗥𝗲𝗺𝗶𝗻𝗱𝗲𝗿: 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴-𝗱𝗼𝗻𝗮𝘁𝗲 𝗻𝗼𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝘀𝗼 𝟭𝟮–𝟭𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝗺𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴-𝗱𝗼𝗻𝗮𝘁𝗲 𝗮𝗹𝗶𝗻𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝘀𝗮 𝗶𝘁𝗶𝗻𝗮𝗸𝗱𝗮𝗻𝗴 𝟯-𝗺𝗼𝗻𝘁𝗵 𝗱𝗼𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻𝘁𝗲𝗿𝘃𝗮𝗹.
✨ One donation can save up to three lives. Be a hero. Be a blood donor.