Source: Mswdo Casiguran Aurora









July 20, 2026
Barangay 07, Poblacion Covered Court
Matagumpay na isinagawa ang pamamahagi ng Food Packs sa ilalim ng LAWA at BINHI Program, kung saan 200 benepisyaryo ang nabigyan ng tulong, na tumanggap ng dalawang (2) kahon ng food packs bawat isa.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapalakas ang kakayahan ng mga komunidad at matiyak ang agarang suporta sa mga pamilyang nangangailangan.
Lubos na nagpapasalamat ang Local Government Unit of Casiguran sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa patuloy nitong pakikipagtulungan at walang sawang pagsuporta sa mga programang nagtataguyod ng kapakanan at kagalingan ng mamamayan.
Sa sama-samang pagkilos ng pambansa at lokal na pamahalaan, patuloy nating naihahatid ang serbisyong may malasakit para sa bawat Casiguranin.
Maraming salamat, DSWD!
Tapat na Serbisyo. Maayos na Pamamahala. Mas Maunlad na Casiguran.
