Source: Municipal Health Office of Casiguran, Aurora



Narito ang ilan sa mahahalagang napag-usapan:
Approval of the Minutes of the Previous Meeting noong Hulyo 30, 2026.
MHO Budget Utilization as of July 2026 at ang presentasyon ng Final 2027 MHO Budget, kabilang ang feedback mula sa Municipal Budget Office. Magandang balita—may 4.52% increase sa kabuuang budget na inilaan para sa kalusugan kumpara sa approved health budget ngayong 2026. Isang patunay ng patuloy na commitment ng ating LGU sa pagpapalakas ng health services para sa mamamayan.
Review at Approval ng mga aplikante para sa Registration ng Barangay Health Workers (BHWs). Mayroong limang (5) bagong BHWs para sa initial registration, na inaasahang makakadagdag sa bilang ng mga rehistradong BHWs sa ating health workforce sa barangay at makakatulong sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa komunidad.
Ibinahagi rin ang resulta at mga findings ng PhilHealth Facility Services Onsite Assessment (RFSOA) upang matukoy ang mga areas for improvement at patuloy na mapahusay ang kalidad at compliance ng ating health facilities at services.
Surveillance Updates: Bahagyang bumaba ang mga naitalang kaso ng dengue para sa buwan ng Agosto. Gayunpaman, tuloy-tuloy ang ating Search and Destroy Campaign laban sa mga posibleng breeding sites ng lamok upang maiwasan ang pagdami ng vector-borne diseases.
Sa ilalim ng iba pang usapin sa agenda, ibinahagi ni NIP Coordinator Fran Christian B. Torre, RN ang MR-SIA Accomplishment as of August 18, 2026. Kabilang sa mga concerns na tinalakay ang vaccine refusal na naiimpluwensiyahan ng misinformation at fake news na kumakalat sa social media.
Kaugnay nito, hiniling ang suporta ng mga miyembro ng Board at iba pang stakeholders upang paigtingin ang information campaign at hikayatin ang mga magulang at komunidad na makiisa sa Supplemental Immunization Activity (SIA). Sama-sama nating labanan ang maling impormasyon at suportahan ang pagbabakuna upang maabot ang 100% coverage ng lahat ng aktuwal na eligible children sa ating bayan. ![]()
![]()
Sa pamamagitan ng Expanded Local Health Board, patuloy nating pinapalakas ang multi-stakeholder involvement sa health governance, isinusulong ang Universal Health Care, at tinitiyak na ang mga programa, polisiya, at pondo para sa kalusugan ay tunay na tumutugon sa pangangailangan ng bawat Casiguranin.
CASIGURUHAN SA KALUSUGAN. ![]()
![]()
