Source: Municipal Health Office of Casiguran, Aurora


The 𝐂𝐚𝐬𝐢𝐠𝐮𝐫𝐚𝐧 𝐕𝐨𝐥𝐮𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦, in partnership with the Aurora Voluntary Blood Service Program Provincial Health Office of Aurora of the Provincial Government of Aurora, invites everyone to join our upcoming 𝐌𝐎𝐁𝐈𝐋𝐄 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐃𝐎𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍!

𝐒𝐄𝐏𝐓𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Agricula Covered Court

8:30 AM – 4:00 PM

𝐒𝐄𝐏𝐓𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔

San Ildefonso Covered Court

8:30 AM – 12:00 Noon

𝐈𝐍𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐀𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆-𝐃𝐎𝐍𝐀𝐓𝐄?

Edad 18–60 years old

Timbang na hindi bababa sa 50 kg (110 lbs)

Pulse rate: 60–100 beats per minute

Blood pressure: within normal limits

Hemoglobin: at least 125 mg/dL during screening bago kuhaan ng dugo

Walang nakikitang karamdaman o kondisyon na maaaring makaapekto sa kaligtasan ng donor o recipient

𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐫𝐞𝐩𝐞𝐚𝐭 𝐛𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐝𝐨𝐧𝐨𝐫𝐬: Ang mga donors na nakapag-donate noong 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟏𝟕-𝟏𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐚𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠-𝐝𝐨𝐧𝐚𝐭𝐞, subject pa rin sa screening at assessment, dahil nakalampas na sa 3-month interval para sa repeat blood donation.

𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐎𝐍𝐃𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐀𝐀𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐇𝐈𝐋𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐃𝐄𝐅𝐄𝐑𝐑𝐀𝐋

Maaaring hindi muna payagang mag-donate kung may history o exposure na nangangailangan ng deferral, gaya ng:

Binayaran upang magbigay ng dugo

Nais lamang magpa-test ng dugo para sa isang sakit

Nakipagtalik sa hindi pa kakilalang partner nang higit sa 6 na buwan

Nakipagtalik sa kapwa lalaki

Maraming sexual partners

Injecting drug use

Nakipagtalik sa lalaking pinaghihinalaang may iba pang male partners

Commercial Sexual Worker

Mahalaga: Ang final decision kung maaari kang mag-donate ay nakabatay sa 𝐝𝐨𝐧𝐨𝐫 𝐬𝐜𝐫𝐞𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐚𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐧𝐠 𝐚𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫𝐢𝐳𝐞𝐝 𝐦𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐩𝐫𝐨𝐟𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥𝐬. Ang mga tanong sa screening ay para maprotektahan ikaw bilang donor at ang taong tatanggap ng iyong dugo.

𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐃𝐎𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐅𝐀𝐐𝐬

Pwede ba mag-donate kung may tattoo?**

Maaaring magkaroon ng deferral depende sa kung kailan ginawa ang tattoo at sa applicable blood donation guidelines. Ipa-assess ito sa screening team.

Gaano karaming dugo ang kukunin?**

Karaniwang **450 mL** ang kinokolekta sa isang whole blood donation.

Safe ba ang blood donation?**

**Yes!** Isinasagawa ito ng trained medical professionals, at bago payagang mag-donate, dadaan muna ang donor sa health assessment. **Donor safety always comes first.**

PAANO MAGHANDA BAGO MAG-DONATE?

Magkaroon ng sapat na tulog, humigit-kumulang 6–8 hours.

Kumain ng masustansyang pagkain at iwasang pumunta nang walang laman ang tiyan.

Uminom ng maraming tubig o juice.

Ipaalam sa screening team kung may iniinom na gamot o may ibang health concern.

Iwasan ang pag-inom ng alak bago mag-donate.

ANG ISANG BAG NG DUGO AY MAAARING MAKATULONG SA HANGGANG APAT (4) NA BUHAY.*

Kaya kung ikaw ay eligible at handang tumulong, tara na at makiisa!

See you, mga ka-Digiyanihan!