Source: Mswdo Casiguran Aurora












Isinagawa noong September 2, 2026, sa Sangguniang Bayan Session Hall, ang Joint Special Meeting ng Inter-Agency Monitoring Task Force – Local Council for the Protection of Children (IMTF-LCPC) at Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC).
Layunin ng pagpupulong na mapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga katuwang na ahensya at tanggapan sa pagsusulong ng proteksyon, karapatan, at kapakanan ng mga bata, kababaihan, at kanilang mga pamilya.
Mga pangunahing tinalakay sa agenda:
Para sa LCPC:
• Preparatory Meeting cum Reorientation para sa Annual Search for Most Child-Friendly Barangay 2025
• Iba pang mahahalagang usapin
Para sa LCAT-VAWC:
• Executive Order on LCAT-VAWC Re-Organization 2026
• Resolution on the Municipal Entry para sa Provincial Search for the Best Barangay VAW Desk and VAW Desk Officer, CY 2025
• Iba pang mahahalagang usapin
Sa pamamagitan ng patuloy na koordinasyon at sama-samang pagkilos, layunin ng LGU Casiguran na higit pang mapatatag ang mga programa at mekanismo para sa isang ligtas, protektado, at makataong komunidad para sa lahat.
