Source: Municipal Health Office of Casiguran, Aurora

Ngayong buwan ng Hunyo ay ginugunita natin ang Dengue Awareness Month. Layunin nitong mapalawak ang kaalaman ng bawat mamamayan tungkol sa dengue, mga sintomas nito, at mga epektibong paraan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na ito sa ating komunidad.

Pinapaalalahanan ang lahat na ugaliing isagawa ang 5S Kontra Dengue upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng dengue sa ating bayan.

Search and Destroy Breeding Places

* Hanapin at sirain ang mga posibleng pinamumugaran ng lamok tulad ng mga lumang gulong, bote, paso, at iba pang lalagyan na maaaring maipunan ng tubig.

Secure Self-Protection

* Gumamit ng insect repellent, magsuot ng damit na may mahabang manggas at pantalon, at gumamit ng kulambo kung kinakailangan.

Seek Early Consultation

* Magpakonsulta agad sa doktor o sa pinakamalapit na health center kapag nakararanas ng sintomas ng dengue.

Support Indoor and Outdoor Spraying

* Suportahan ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagsasagawa ng indoor at outdoor spraying laban sa mga lamok.

Sustain Hydration

* Kapag may dengue, huwag kalimutang uminom ng sapat na tubig upang maiwasan ang dehydration na dulot ng lagnat o pagsusuka.

Gawin ang 4Ts tuwing Alas Kwatro

TAOB – I-taob ang mga lalagyang maaaring maipunan ng tubig.

TAKTAK – Alisin ang naipong tubig sa mga lalagyan.

TUYO – Patuyuin at punasan ang mga lalagyan upang hindi pamahayan ng itlog ng lamok.

TAKIP – Takpan nang maayos ang mga imbakan ng tubig.

Tandaan: Kung walang lamok, walang dengue!