Source: Municipal Health Office of Casiguran, Aurora

Matagumpay na naisagawa ang June Monthly Local Health Board (LHB) Meeting na dinaluhan ng 16 sa 21 LHB members, na bumuo ng majority quorum upang talakayin ang mga mahahalagang usaping pangkalusugan ng ating bayan.

Kabilang sa mga naging agenda ang:

✅ Approval ng Minutes of the Previous Meeting

✅ Discussion at formulation ng MHO Budget Proposal para sa Fiscal Year 2027, kabilang ang:

• BHW Honoraria at Augmentation

• Re-echo ng Health Facility Enhancement Planning Workshop (June 23–25, 2026), kung saan tinalakay ang mga proposed Health Facility Enhancement (HFE) Projects tulad ng pagtatayo ng bagong Barangay Health Stations sa Lual, Calabgan, at Calantas, gayundin ang mga updates at posibleng outsourcing para sa completion ng Casiguran Super Health Center.

✅ Endorsement ng qualified applicants para sa UP Diploma in Midwifery Scholarship (A.Y. 2026–2027)

✅ Review at adoption ng Healthy Workplace Policies ng Casiguran RHU and Birthing Clinic Building Vicente Teepecuy

✅ Updating at dissemination ng DRRM-H Plan 2026–2028

✅ Orientation on Surveillance in Post Extreme Emergencies and Disasters (SPEED)

✅ Pagbuo ng Municipal Anti-Dengue Task Force

✅ Presentation ng Dengue Awareness and Prevention Campaigns

✅ Iba pang mahahalagang concerns at updates.

Sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng bawat miyembro ng Local Health Board, patuloy nating pinapalakas ang ating health governance at sama-samang nagsusulong ng mga programa at polisiya tungo sa mas ligtas, mas maayos, at mas malusog na Casiguran.

Together, we build a healthier and more resilient Casiguran!