Source: Municipal Health Office of Casiguran, Aurora






𝐊𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠𝐚 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐤𝐚𝐥: 𝐁𝐫𝐢𝐠𝐚𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐥𝐚𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧
𝐋𝐮𝐚𝐥 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥, 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐋𝐮𝐚𝐥, 𝐂𝐚𝐬𝐢𝐠𝐮𝐫𝐚𝐧, 𝐀𝐮𝐫𝐨𝐫𝐚
𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟏𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔
Bilang pakikiisa sa Brigada Eskwela 2026, matagumpay na nagsagawa ang Municipal Health Office ng Casiguran sa pangunguna ni Dr. Merill A. Danay, Municipal Health Officer katuwang ang ating Disease Surveillance Officer-Nurse Jayson G. Mazo, ng isang Medical Mission para sa mga mag-aaral at stakeholders ng Lual National High School.
Bilang tanda ng suporta at pakikiisa sa adhikain ng Brigada Eskwela, nakiisa rin si Dr. Danay sa paglagda sa Brigada Eskwela 2026 Commitment Wall, na sumisimbolo sa patuloy na pagtutulungan ng mga stakeholder upang matiyak ang isang ligtas, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran sa pag-aaral para sa mga kabataan.
Sa isinagawang medical mission, nagkaloob ng mga serbisyong pangkalusugan kabilang ang medical consultation, health assessment, pagbibigay ng gamot at pagbibigay ng mahahalagang payong pangkalusugan para sa mga mag-aaral. Layunin ng gawaing ito na matiyak na ang mga kabataan ay nasa mabuting kalagayan at handang-handa sa pagbubukas ng klase.
Taos-pusong pasasalamat sa pamunuan ng Lual National High School, mga guro, mag-aaral, at iba pang stakeholders sa kanilang mainit na pagtanggap at pakikiisa sa programang ito.
Kalusugan para sa Kabataan, Kaalaman para sa Kinabukasan!
