Source: Municipal Health Office of Casiguran, Aurora









𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐦𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐞𝐝𝐚𝐝 𝟓 𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚.
Dahil sa maling impormasyon at pagpapaliban sa pagbabakuna, muling nagbabadya ang banta ng measles. Ang pagbabakuna sa inyong mga anak ay hindi lamang tungkol sa isang batang nabakunahan. Kapag sapat ang bilang ng protektadong tao sa komunidad, mas nahihirapang kumalat ang measles, kaya napoprotektahan din ang mga taong maaaring mas vulnerable sa malubhang komplikasyon. Kaya ang tagumpay ng vaccination ay hindi lamang nasusukat sa bilang ng mga batang nabakunahan. Nasusukat din ito sa mga batang hindi nagkasakit, mga pamilyang hindi nagdusa, mga ospital na hindi napuno, at mga buhay na hindi nawala.
Huwag basta basta maniniwala sa nababasa sa facebook. Huwag sa sabi-sabi. Huwag sa viral post.
Ito ang legit na source mga momshies:
CHILDREN MUST BE PROTECTED. They don’t have to suffer just because of ignorance and misinformation.
Ugaliing magtanong, magsuri, at magtiwala sa lisensyadong health professionals para sa tamang impormasyon.
We will continue to educate and protect, because PUBLIC HEALTH is our responsibility
