Source: Municipal Health Office of Casiguran Aurora


September 14-15,2026

Bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue, nagsagawa ang Municipal Health Office ng Casiguran ng Kontra Dengue Drive sa Brgy. Calangcuasan sa pangunguna nina Jayson G. Mazo, RN, Disease Surveillance Officer; Johanna Ruth S. Babilonia, Sanitation Inspector II; at mga DOH-HRH, sa patnubay at gabay ni Merill A. Danay, MD, katuwang ang mga opisyal ng Barangay.

Mga Isinagawang Aktibidad

✅ Search and Destroy Operation

✅ Active Case Finding

✅Dengue NS1 Testing

✅ Outdoor Residual Spraying

Kasabay nito, muling pinaaalalahanan ang lahat ng mamamayan na makiisa sa pagpapatupad ng Municipal Ordinance No. 34, Series of 2019, na nag-uutos sa lahat ng residente ng Casiguran na mahigpit na ipatupad ang Enhanced 4S Strategy Against Dengue at ang “Sabayang Alas-4 ng Hapon Habit para Deng-Get-Out.”

ENHANCED 4S STRATEGY

Search and Destroy Breeding Places

– Hanapin at linisin ang mga bagay na maaring maipunan ng tubig at pamugaran ng kiti kiti.

Secure self protection

-Magsuot ng mahahabang damit na matatakpan ang katawan.

-Maaring gumamit ng insect repellant upang maiwasan makagat ng lamok.

Seek Early Consultation

-Magpakonsulta agad sa doktor kung may lagnat 2 araw at may iba pang sintomas.

Support Indoor and Outdoor Spraying

-Suportahan ang mga spraying laban sa mga lamok.

Ang bawat may-ari ng bahay at establisyemento ay may pananagutang panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran at alisin ang anumang posibleng pamugaran ng lamok.

Ugaliin ang “Sabayang Alas-4 ng Hapon Habit”—maglaan ng ilang minuto bawat araw upang maghanap at magtanggal ng mga posibleng pamugaran ng lamok.

Tandaan: Kung walang lamok, walang dengue.