Source: Casiguran Business One Stop Shop















Matagumpay na isinagawa ang roll-out ng Paleng QR Ph Plus sa bayan ng Casiguran nito lamang ika – 18 ng Hunyo 2026, ito ay bilang bahagi ng pagsisikap ng Lokal na Pamahalaang makasunod sa mga modernong pamamaraan. Ito naglalayong palawakin ang paggamit ng cashless payments sa mga lokal na Palengke, Transportasyon at mga negosyo sa ating bayan.
Sa suporta at pangunguna ng ating Punong Bayan Hon. Roynald S. Soriano, ang programa ay pinasinayaan nina Hon. Lordan B. Roxas, SB Member – Committee on Trade and Industry at bilang kinatawan ng ating Punong Bayan, Atty. Olivia B. Cornelio-Mallari, Area Director ng Bangko Sentral ng Pilipinas – Cabanatuan Branch, G. Aldrin M. Veneracion, Provincial Director DTI-Aurora, Engr. Ravenal A. De Jesus, Provincial Head- DICT Aurora. Kasama rin sa nasabing programa ang mga TODA president / representative, Market Vendors Association at mga kinatawan mula sa ating mga MSMEs.
Naging katuwang rin sating programa ang GCASH at MAYA sa pagtuturo ng pag gamit ng QR code, maging ang libreng pagprint ng mga QR code sa ating Public Market at TODA terminal. Ang programang iIto ay magsisilbing simula sa pagbuo ng mas inklusibo, ligtas at epektibong pamamaraan ng serbisyong pinansiyal para sa ating mga konsumer at buong komunidad.
