Source: MENRO Casiguran Aurora


Sa inilabas na Provincial Memorandum No. 2026- 09- 17- 02 ng DILG Provincial Office of Aurora bilang pagtalima at pakiki-isa sa Annual International Coastal Clean- up Day and World Clean-up Day. Ang LGU-MENRO Casiguran ay nakiisa sa inisyatiba ng DENR-CENRO Casiguran sa pagdiriwang ng nasabing selebrasyon na may temang “Clean Seas for Resilient Communities” kahapon, Setyembre 16, 2026.

Isinagawa ang coastal clean-up sa Purok 7, Barangay Dibacong, Casiguran, Aurora, kasama ang BFP, PCG, 2nd PMFC Dibacong, BLGU Dibacong, at DENR-CENRO Casiguran. Nasa humigit 41 sako o 117 kilo ng basura ang nakolekta mula sa coastal area.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng baybayin, mabawasan ang basurang napupunta sa karagatan, at mapalakas ang pakikiisa ng komunidad sa pangangalaga ng yamang-dagat.

Malinis na dagat, sama-samang pangalagaan!