Source: Radyo Kawadi 100.7 FM











CASIGURAN, AURORA – Patuloy at kasalukuyang isinasagawa ngayong araw, Agosto 11, 2026, ang limang araw na Libreng Skills Training na nagsimula noong Agosto 10 at magpapatuloy hanggang Agosto 14, 2026 sa Barangay Syete Covered Court, simula alas-8:00 ng umaga.
Ang kapaki-pakinabang na pagsasanay na ito ay inisyatibo ng 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗔𝘂𝗿𝗼𝗿𝗮 (𝗣𝗚𝗔) katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Casiguran sa pamumuno ni 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗥𝗼𝘆𝗻𝗮𝗹𝗱 𝗦. 𝗦𝗼𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 sa pamamagitan ng 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗠𝗦𝗪𝗗𝗢) sa pamumuno ni 𝗠𝗮’𝗮𝗺 𝗚𝗲𝗿𝗮𝗹𝗱𝗶𝗻𝗲 𝗦. 𝗔𝗹𝗵𝗮𝗺𝗯𝗿𝗮,𝗥𝗦𝗪 at sa pakikipagtulungan ng 𝗣𝗘𝗔𝗖𝗘 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 bilang mga opisyal na tagapagsanay.
Tampok sa nasabing pagsasanay ang mga sumusunod na kurso:
• 𝗛𝗮𝗶𝗿𝗱𝗿𝗲𝘀𝘀𝗶𝗻𝗴
• 𝗛𝗮𝗻𝗱 𝗮𝗻𝗱 𝗙𝗼𝗼𝘁 𝗦𝗽𝗮
• 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗰𝘂𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗲𝗱𝗶𝗰𝘂𝗿𝗲
Layunin ng programang ito na magbigay ng sapat na kasanayan at kaalaman upang matulungan ang mga mamamayan na magkaroon ng sariling pangkabuhayan o karagdagang pagkakakitaan para sa kanilang pamilya.
𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗗𝗘𝗪 – 𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗪𝗔𝗗𝗜
