Source: Municipal Health Office of Casiguran, Aurora





Kasabay ng tag-ulan ang pagtaas ng panganib ng W.I.L.D. Diseases. Alamin ang mga sintomas at mga hakbang sa pag-iwas upang mapanatiling ligtas ang iyong sarili at pamilya.
Water-borne Diseases – Nakukuha sa pag-inom ng maruming tubig o pagkain ng kontaminadong pagkain.
Influenza-like Illnesses – Mga sakit na may sintomas tulad ng lagnat, ubo, sipon, pananakit ng lalamunan at katawan na madaling makahawa.
Leptospirosis – Nakukuha sa paglusong sa baha o tubig na kontaminado ng ihi ng daga at iba pang hayop.
Dengue – Isang sakit na naipapasa sa kagat ng lamok na Aedes aegypti.
Magpakonsulta agad sa pinakamalapit na Health Center kung makaranas ng anumang sintomas ng W.I.L.D. Diseases.
