Source: Mswdo Casiguran Aurora






Ang tagumpay ng ating programa ay bunga ng sama-samang malasakit, suporta, at pagtutulungan ng bawat isa. Taos-puso pong nagpapasalamat ang LGBTQIA++ Community Casiguran sa lahat ng naglaan ng oras, tulong, at biyaya upang maging matagumpay ang ating gawain.
Ang inyong kabutihang-loob ay nagsisilbing inspirasyon upang patuloy nating maisulong ang pagkakapantay-pantay, pagkakaisa, at pagmamahal sa ating komunidad. Nawa’y pagpalain pa kayo nang higit pa sa inyong ipinakitang suporta at malasakit.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtulong at pakikiisa. Sama-sama tayong patuloy na maglilingkod para sa isang mas inklusibo, ligtas, at mapagmalasakit na pamayanan.
