Source: Radyo Kawadi 100.7 FM












CASIGURAN, AURORA – Opisyal nang nagsimula ngayong araw, Agosto 10, 2026, ang Kick-Off Ceremony ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR/SIA) na ginanap sa Municipal Hall ng Casiguran.
Inaanyayahan ng pamahalaang lokal ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga ng mga batang may edad 6 hanggang 59 na buwan na dalhin ang kanilang mga anak sa pinakamalapit na health center ayon sa nakatakdang iskedyul sa bawat barangay. Ang mga health center ay bukas mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon para sa bakunahan.
Ang ibinibigay na bakuna ay ligtas, epektibo, at libre upang protektahan ang mga kabataan laban sa tigdas at rubella. Kasabay din nito ang pagpapatak ng Vitamin A upang mas mapalakas ang resistensya ng mga bata. Paalala ng mga awtoridad na huwag kalimutang dalhin ang vaccination card ng anak para sa maayos na pagtatala.
Ang mahalagang kampanyang ito para sa kalusugan ay pinangungunahan ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) katuwang ang Municipal Health Office (MHO) sa pamumuno ni Municipal Health Officer 𝗗𝗿. 𝗠𝗲𝗿𝗶𝗹𝗹 𝗔. 𝗗𝗮𝗻𝗮𝘆 at Rural Health Physician 𝗗𝗿. 𝗠𝗲𝗹𝗶𝘀𝘀𝗮 𝗖𝗮𝗽𝗶𝗹𝗶. Ito ay buong pusong sinusportahan ng Lokal na Pamahalaan ng Casiguran sa ilalim ng pamumuno ni Punong Bayan 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗼𝘆𝗻𝗮𝗹𝗱 𝗦. 𝗦𝗼𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼, kasama si SB Committee on Health 𝗛𝗼𝗻. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗘𝘀𝘁𝗲𝘃𝗲𝘀 𝗮𝘁 𝗜𝗣𝗠𝗥 𝗭𝘆𝗿𝗮 𝗗𝗲𝗹𝗮 𝗖𝗿𝘂𝘇.
Sa pamamagitan ng programang “𝗖𝗵𝗶𝗸𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀,” nagkakaisa ang buong bayan ng Casiguran upang masiguro ang isang ligtas, malusog, at protektadong kinabukasan para sa bawat batang Casiguranin.
BALITANG ALDEW – BALITANG KAWADI
