Municipal Health Office of Casiguran ang “𝐁𝐮𝐧𝐭𝐢𝐬 𝐒𝐮𝐦𝐦𝐢𝐭 𝟐𝟎𝟐𝟔”
Posted on
Alinsunod sa 𝐏𝐫𝐨𝐜𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐍𝐨. 𝟓𝟔𝟗 na nagdedeklara ng ikalawang linggo ng Mayo bilang 𝐒𝐚𝐟𝐞 𝐌𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫𝐡𝐨𝐨𝐝 𝐖𝐞𝐞𝐤, matagumpay na isinagawa ng Municipal Health Office of Casiguran ang “𝐁𝐮𝐧𝐭𝐢𝐬 𝐒𝐮𝐦𝐦𝐢𝐭 𝟐𝟎𝟐𝟔” noong Mayo 15, 2026 sa Barangay Calantas, Casiguran, Aurora, na dinaluhan ng humigit-kumulang 130 buntis mula sa iba’t ibang barangay. Tampok sa nasabing kalahating araw na aktibidad ang iba’t ibang health education sessions, oryentasyon tungkol sa maternal at child health services, wastong nutrisyon, kahalagahan ng prenatal check-up, at iba pang makabuluhang gawain para sa ating mga minamahal na buntis. Nagkaroon din ng mga palaro, pamimigay ng giveaways, at iba pang aktibidad na nagbigay saya at dagdag kaalaman sa mga kalahok. Sa pamamagitan ng Buntis Summit 2026, patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Casiguran at ng Municipal Health Office ang ligtas na pagbubuntis, ligtas na panganganak, at mas maayos na serbisyong pangkalusugan para sa bawat ina at sanggol sa komunidad. Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at sumuporta upang maging matagumpay ang programang ito.