Source: Mswdo Casiguran Aurora








Isinagawa ang orientation noong Setyembre 9,2026 sa Barangay Calantas para sa mga Punong Barangay at Barangay Secretary bilang paghahanda sa Search for the Most Child-Friendly Barangay at Best Barangay VAWC Desk and VAW Desk Officer.
Tinalakay ni MLGOO Engr. Florenz Zaira B. Buenconsejo ang New Indicators for the Best Child-Friendly Sangguniang Barangay at ang Old Indicators for the Most Child-Friendly Barangay.
Samantala, tinalakay naman ni MSWDO Gng. Geraldine S. Alhambra, RSW ang mga pamantayan para sa Best Barangay VAWC Desk and VAW Desk Officer.
Layunin ng orientation na gabayan ang mga barangay sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyo para sa kapakanan, proteksyon, at karapatan ng mga bata at mga biktima ng VAWC.
Sa sama-samang pagkilos, mas ligtas at mas child-friendly na barangay ang ating makakamit.
