Source: Municipal Health Office of Casiguran, Aurora


Ipinapaalam po sa lahat na wala pong available stock ng anti-rabies vaccine sa Casiguran Rural Health Unit sa ngayon.

Sa Biyernes (August 21, 2026) magkakaroon ng 150 doses ng anti-rabies vaccine na ilalaan para sa unang 150 pasyente lamang – first come, first served basis.

Sa mga indibidwal na nakagat o nakalmot ng aso, pusa, o iba pang hayop na posibleng may rabies, mangyaring huwag ipagpaliban o patagalin ang pagpapatingin. Pinapayuhan po kayong agad na kumonsulta sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center para sa wastong assessment at agarang pagbibigay ng kinakailangang lunas.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Paki-share po ang impormasyong ito upang makarating sa mga nangangailangan.