Source: Tourism Casiguran






Sa paggunita ng ika-128 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas na may temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.”, nagkakaisa ang bayan ng Casiguran sa pagbibigay-pugay sa mga sakripisyo ng ating mga bayani at sa pagpapahalaga sa ating mayamang kasaysayan bilang pundasyon ng isang mas maunlad na kinabukasan.
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-417 Taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Casiguran at Kapistahan ni San Antonio de Padua, isinagawa rin ang opisyal na pag-awit ng Municipal Hymn ng Casiguran, “Casiguran, Bayan Naming Mahal.” Ang himno na ito ay nagsisilbing sagisag ng ating pagkakakilanlan, pagmamahal sa bayan, at pagkakaisa bilang isang komunidad.
Sa pagtanaw sa ating kasaysayan at mga biyayang ipinagkaloob sa ating bayan, patuloy nating isabuhay ang diwa ng kalayaan tungo sa isang mas matatag at mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat Casiguranin.
