Source: Dilg Casiguran


Isinagawa ng Municipal Government of Casiguran, sa pamamagitan ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), katuwang ang DILG Casiguran, ang BIDA PEACE × Project KASANGGA Cum Anti-Illegal Drugs Symposium noong Agosto 25, 2026 sa APECO Training Hall, Barangay Esteves, Casiguran, Aurora.

Dinaluhan ng mga piling Barangay Tanod mula sa 24 barangay ng Casiguran ang aktibidad na naglalayong higit pang palakasin ang kanilang kaalaman, disiplina, kahandaan, at kakayahan sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Tinalakay sa aktibidad ang mahahalagang paksa hinggil sa peacekeeping at crime prevention, kampanya kontra ilegal na droga, safer school zones, tourism assistance, at public safety. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng karakter, disiplina, at maayos na pakikipag-ugnayan sa mga katuwang na ahensya sa epektibong pagtupad ng tungkulin ng Barangay Tanod.

Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng Project KASANGGA sa ilalim ng BIDA PEACE, na naglalayong higit pang mapaigting ang kapasidad at kahandaan ng mga Barangay Tanod bilang katuwang ng pamahalaang lokal sa pagtataguyod ng ligtas, mapayapa, at maayos na pamayanan.