Source: Dilg Casiguran






CASIGURAN, AURORA — Lumahok ang mga Punong Barangay, Barangay Secretaries, Sangguniang Barangay Members, at mga kinatawan ng Civil Society Organizations (CSOs) sa Enhanced Barangay Development Plan (E-BDP) Formulation Workshop na ginanap noong Hulyo 16, 2026 sa APECO Training Hall, Barangay Esteves, Casiguran, Aurora.
Layunin ng workshop na palakasin ang kakayahan ng mga barangay sa pagbuo ng mga planong nakabatay sa aktuwal na kalagayan at pangunahing pangangailangan ng kanilang mga komunidad.
Sa pamamagitan ng mas maayos at inklusibong barangay development planning, natutukoy at nabibigyang-prayoridad ang mga programa, proyekto, at serbisyong makatutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na maisalin ang mga plano ng bawat barangay tungo sa kongkretong pagkilos at mas mahusay na paghahatid ng serbisyo para sa isang mas maunlad at matatag na Casiguran.
