Source: Radyo Kawadi 100.7 FM






CASIGURAN, AURORA – Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw, Hulyo 2, 2026, simula alas-10:00 ng umaga, ang Ikalawang Public Consultation (2nd Public Consultation) na ginaganap sa Agricula Covered Court, Casiguran, Aurora.
Ang mahalagang aktibidad na ito ay pinangungunahan ng Provincial Assessor’s Office ng Lalawigan ng Aurora para sa lahat ng mga stakeholders, taxpayers, at mga residenteng may ari-arian o interesadong mamamayan sa bayan.
Sentro ng diskusyon sa konsultasyon ang iminumungkahi o Proposed Schedule of Market Values of Real Properties sa loob ng nasasakupang teritoryo ng Lalawigan ng Aurora. Ito ay alinsunod sa Section 15 ng Republic Act 12001, na mas kilala bilang Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA).
Layunin ng pagtitipon na ito na buksan ang linya ng komunikasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng publiko upang mapakinggan ang mga opinyon, mungkahi, at katanungan ng mga mamamayan bago pormal na ipatupad ang mga bagong itatakdang halaga ng ari-arian sa probinsya, tungo sa isang patas at transparent na sistema ng pagbubuwis.
