Source: Municipal Health Office of Casiguran, Aurora















Kalusugan, inilalapit sa bawat tahanan!
Nagsagawa ang PuroKalusugan Team ng isang makabuluhang serbisyong pangkalusugan sa Barangay Dibet, kung saan inilapit natin sa ating mga kabarangay ang konsultasyon, pagsusuri, health education, at iba pang serbisyong pangkalusugan.
Sa pamamagitan ng PuroKalusugan, patuloy nating pinakikinggan at tinutugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng ating komunidad. Sama-sama nating itaguyod ang isang mas malusog at mas maalagang Barangay Dibet.
Taos-pusong pasasalamat sa ating Punong Bayan- Hon. Roynald Soriano, sa kanyang patuloy na suporta sa mga programang pangkalusugan ng ating bayan, at sa ating manggagamot ng bayan- Dr. Merill Danay, sa kanyang gabay at suporta sa PuroKalusugan Team.
Maraming salamat din sa buong PuroKalusugan Team at sa ating mga masisipag na Brgy Officials at BHWs ng Dibet sa mainit na pagtanggap, pakikiisa, at pakikipagtulungan!
