Source: Municipal Health Office of Casiguran, Aurora


Ang PuroKalusugan Team ay nagtungo sa Sitio Paraiso, tahanan ng ating mga katutubong komunidad, upang maghatid ng mga serbisyong pangkalusugan at patuloy na isulong ang pangangalaga sa kalusugan ng bawat mamamayan.

Sa pamamagitan ng konsultasyong medikal, health education, at iba pang serbisyong pangkalusugan, layunin nating mailapit ang dekalidad na serbisyong medikal sa mga komunidad na may limitadong access sa mga pasilidad pangkalusugan.

Patuloy nating isinusulong ang isang mas malusog at mas ligtas na pamayanan sa pamamagitan ng malasakit, pagkakaisa, at serbisyong may puso.

Sama-sama para sa mas malusog na komunidad!