



Ang Municipal Health Office, sa pamamagitan ng Epidemiology and Surveillance Unit, ay matagumpay na nagsagawa ng Refresher Training on Disease Surveillance for Health Workers noong May 20–21, 2026 sa Brgy. Marikit, Casiguran, Aurora, na nilahukan ng ating mga Rural Health Midwives, Department of Health–Human Resources for Health, at piling OPD personnel.
Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang Disease Surveillance System ng ating bayan sa pamamagitan ng pagpapahusay ng kaalaman at kakayahan ng ating mga health workers sa tamang case detection, disease reporting, surveillance, at agarang pagtugon sa mga posibleng outbreak at iba’t ibang sakit sa komunidad.
Lubos po naming ipinapaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa ating Municipal Health Officer, Dr. Merill A. Danay, sa patuloy na paggabay at suporta sa buong takbo ng aktibidad, at sa ating butihing Mayor, Hon. Roynald S. Soriano, sa kanyang walang sawang malasakit at matibay na paninindigan sa pagpapalakas ng mga programang pangkalusugan sa ating komunidad. Gayundin, aming pinasasalamatan ang aming facilitator mula sa Provincial Health Office, Ms. Crizzle Kane G. Yapchapco, RN, MAN, CAE, sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman, karanasan, at expertise na naging malaking tulong upang higit na mapalawak ang kaalaman ng ating mga health workers tungkol sa disease surveillance.
Sama-sama para sa mas ligtas, mas handa, at mas malusog na komunidad.
