Source: Municipal Health Office of Casiguran, Aurora
Pakinggan ang mensahe ni Mayor Roynald S. Soriano bilang pakikiisa at suporta sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) 2026.
Inaanyayahan ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak na 6–59 buwan sa pinakamalapit na vaccination site ayon sa itinakdang schedule. Ang bakuna laban sa tigdas (measles) at tigdas hangin (rubella) ay ligtas, epektibo, at libre.
Magpabakuna. Protektahan ang bawat batang Casiguranin para sa mas ligtas at mas malusog na komunidad.
