Source: Municipal Health Office of Casiguran, Aurora












Bilang bahagi ng paggunita ng 𝐔=𝐔 𝐃𝐚𝐲, matagumpay na isinagawa ang 𝐇𝐈𝐕 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐓𝐚𝐥𝐤, isang session sa SK CampCollab Program noong 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔 sa 𝐂𝐨𝐜𝐨𝐥𝐚𝐧𝐝, 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐃𝐢𝐛𝐞𝐭, 𝐂𝐚𝐬𝐢𝐠𝐮𝐫𝐚𝐧, 𝐀𝐮𝐫𝐨𝐫𝐚, na dinaluhan ng 𝟓𝟔 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐃𝐢𝐛𝐚𝐜𝐨𝐧𝐠, 𝐋𝐮𝐚𝐥, 𝐃𝐢𝐛𝐞𝐭, 𝐏𝐨𝐛𝐥𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧 𝟎𝟖, 𝐏𝐨𝐛𝐥𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧 𝟎𝟓, 𝐚𝐭 𝐄𝐬𝐭𝐞𝐯𝐞𝐬 na pinangunahan ng mga Sangguniang Kabataang Chairpersons ng mga nabanggit na Barangays.
SK Dibacong: Hon. Carlo F. Manglapus
SK Lual: Hon. Tonton H. Gutierrez
SK Dibet: Hon. John Kyle DL. Villanueva
SK Pob 8: Hon. Nicole Hennessey M. Abdala
SK Pob 5: Hon. Ace lynard M. Macalindong
SK Esteves: Hon. Denver M. Alcantara
𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐚𝐜𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐧𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐲𝐚𝐧
Hindi lamang isang lecture ang isinagawang aktibidad. Aktibong nakilahok ang mga kabataan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong, pagbabahagi ng kanilang kaalaman at pananaw, at pagtatanong tungkol sa mga serbisyong pangkalusugan at HIV.
𝐂𝐨𝐧𝐬𝐮𝐥𝐭𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠: 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐏𝐫𝐢𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐍𝐞𝐞𝐝𝐬
Sinimulan ang aktibidad sa isang consultative discussion upang matukoy at mapag-usapan ang mga prayoridad na pangangailangang pangkalusugan ng kabataan, kabilang ang access sa health services, nutrisyon, health benefits, at kalinisan at pang-araw-araw na pamumuhay.
𝐇𝐈𝐕 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐚𝐭 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐀𝐈𝐃𝐒 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥
Sa pangunguna ng guest speaker na si 𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐀𝐥𝐞𝐧 𝐀. 𝐂𝐚𝐛𝐮𝐧𝐨𝐜, 𝐑𝐌𝐓, 𝐌𝐏𝐀, HIV Program Manager, tinalakay ang 𝐇𝐈𝐕 𝟏𝟎𝟏, 𝐔=𝐔, HIV prevention, testing, treatment, at 𝐏𝐫𝐄𝐏, kabilang ang dalawang paraan ng pag-inom nito.
Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng Local AIDS Council sa pagpapalakas ng pagtugon ng komunidad at lokal na pamahalaan sa HIV.a
𝐁𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐇𝐈𝐕 𝐩𝐫𝐞𝐯𝐞𝐧𝐭𝐢𝐨𝐧:
𝟏𝟖𝟗 𝐩𝐚𝐜𝐤𝐬 𝐧𝐠 𝐜𝐨𝐧𝐝𝐨𝐦𝐬
𝟑𝟎𝟎 𝐩𝐢𝐫𝐚𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐛𝐫𝐢𝐜𝐚𝐧𝐭𝐬
𝐇𝐈𝐕-𝐫𝐞𝐥𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐈𝐄𝐂 𝐦𝐚𝐭𝐞𝐫𝐢𝐚𝐥𝐬
𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐢𝐩𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐡𝐨𝐤.
Mas bukas na usapan. Mas tamang impormasyon. Mas aktibong kabataan para sa HIV prevention.
