Source: Mswdo Casiguran Aurora


Isinagawa ang Tara, Basa! Tutorial Program (TBTP) Payout ngayong July 8, 2026 sa Agricula Covered Court, bilang pagkilala sa dedikasyon at mahalagang ambag ng mga tutor, Youth Development Workers, at iba pang kalahok sa programa.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng programang ito sa patuloy na pagsusulong ng pagbabasa, pagkatuto, at paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga kabataan.