Source: Radyo Kawadi 100.7 FM

𝐓𝐑𝐀𝐃𝐈𝐒𝐘𝐔𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐋𝐀𝐑𝐎 𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐇𝐈 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐈𝐃𝐈𝐍𝐀𝐎𝐒 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐃𝐈𝐑𝐈𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐈𝐊𝐀 417 𝐅𝐎𝐔𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐍𝐈𝐕𝐄𝐑𝐒𝐀𝐑𝐘 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐒𝐈𝐆𝐔𝐑𝐀𝐍

CASIGURAN AURORA Matagumpay na natapos at muling binigyang buhay ang tradisyunal na Laro ng Lahi nitong nakaraang Hunyo 12 2026 na ginanap sa Casiguran Central School simula alas 3 ng hapon

Ang masayang aktibidad na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika 417 Founding Anniversary at Town Fiesta 2026 ng Bayan ng Casiguran na inorganisa ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa ilalim ng MENRO Office

Layunin ng programa na muling maitampok ang kulturang Pilipino pagkakaisa at sportsmanship ng mga Casiguranin sa pamamagitan ng mga katutubong laro Naging daan ito upang magsama sama ang mga mamamayan sa isang hapon na puno ng tawanan pagkakaibigan at pagpapahalaga sa pamanang lahi

Ayon sa pamahalaang lokal mahalaga ang mga ganitong aktibidad upang masigurong mananatiling buhay at kilala ng mga susunod na henerasyon ang mga tradisyunal na laro ng ating bansa Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamunuan sa lahat ng mga nakiisa nagparehistro at nagpakita ng kanilang suporta upang maging matagumpay at makulay ang pagdiriwang ng anibersaryo ng bayan