Source: Municipal Health Office of Casiguran, Aurora





Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Blood Donor Day na ginugunita tuwing ika-14 ng Hunyo, matagumpay na isinagawa ng Casiguran Voluntary Blood Service Program ang unang araw ng 2.5 na araw ng Mobile Blood Donation Activity upang makatulong na matiyak ang sapat at ligtas na suplay ng dugo para sa mga nangangailangan.
Unang Araw – Hunyo 17, 2026
Agricula Covered Court
65 blood units ang nakolekta
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga boluntaryong blood donors, mga opisyal ng barangay, katuwang na ahensya, at mga mamamayang nakibahagi at sumuporta sa gawaing ito na nagliligtas ng buhay.
Lubos din ang aming pasasalamat sa Aurora Voluntary Blood Service Program sa pangunguna ng Provincial Health Office of Aurora sa kanilang patuloy na suporta at pakikipagtulungan sa pagsusulong ng boluntaryong pagdo-donate ng dugo sa lalawigan. Gayundin, taos-puso kaming nagpapasalamat sa Casiguran District Hospital sa pagpapahiram ng mga Registered Medical Technologists (RMTs) na tumulong sa pagsasagawa ng Mobile Blood Donation Activity upang matiyak ang maayos at matagumpay na implementasyon nito.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang adhikaing makapagligtas ng buhay sa pamamagitan ng boluntaryong pagdo-donate ng dugo.
Para sa ating mga donors, maaring makita ang inyong mga ngiti sa album ng post na ito.
